MANILA, PHilippines- Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes ang ikalawang Pilipinong nasawi sa magnitude-7.7 na lindol sa Myanmar.
“The Department of Foreign Affairs is informed by the Philippine Embassy in Yangon of the positive identification of the remains of a second confirmed Filipino victim of the powerful 7.7 earthquake which hit Myanmar last March 28,” pahayag ng DFA.
Base sa DFA, naipagbigay-alam na sa pamilya ng Pilipino ang tungkol sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
“Out of respect for the wishes of the family, the Department is unable to provide any further details,” pahayag ng DFA.
Nitong Miyerkules, kinumpirma ng DFA ang unang Filipino fatality sa malakas na Myanmar quake. Kinilala siya bilang si Francis Aragon.
Base sa naunang ulat, isa si Francis sa apat na OFWs na nawala matapos gumuho ang kanilang condominium building collapsed dahil sa malakas na lindol na tumama sa Myanmar.
Si Francis ay isang 38-anyos na Pilipinong nagtatrabaho bilang isang physical education teacher sa Myanmar.
Samantala, sinabi ng DFA na patuloy itong umaasa “for the best for the remaining two Filipinos still unaccounted for in Mandalay, Myanmar.” RNT/SA