Home NATIONWIDE Direktor ng electric coop patay sa pamamaril sa OrMin

Direktor ng electric coop patay sa pamamaril sa OrMin

200
0

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang direktor ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Ayon kay PLt.Col. Joel Paningbatan, hepe ng Pinamalayan Police Station, ang bikima na kinilalang si Tony Mendeja, ay huminto sa gilid ng kalsada sa Barangay Del Razon para suriin ang mga ilaw ng kanyang SUV.

Ilang sandali lamang ay dumating ang gunman sakay ng motorsiklo at saka binaril ang biktima.

Agad na dinala ang 64-anyos na biktima sa ospital ngunit idineklarang patay sa tinamong tama ng bala mula sa 9mm caliber na baril.

Ani Paningbatan, ang suspek ay nakasuot ng puting tshirt at sakay ng itim na motorsiklo.

Nagsilbing miyembro ng Board of Directors ng ORMECO ang biktima para sa mga munisipalidad ng Bongabong at Bansud.

Kakagaling lamang ng Calapan City ang biktima para dumalo sa signing ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa solar lights project.

Kinondena naman ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang naturang krimen.

“Walang puwang sa ating lalawigan ang anumang uri ng karahasan,” ani Dolor.

“Inatasan ko na si PNP Provincial Director PCol. Edison Revita na magsagawa ng mabilis at masusing imbestigasyon at siguraduhing mabibigyan ito ng hustisya sa lalong madaling panahon,” dagdag pa niya.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang mga awtoridad para sa malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa opisyal ng ORMECO. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here