Home ENTERTAINMENT Direktor ni Arjo, isang transwoman!

Direktor ni Arjo, isang transwoman!

Manila, Philippines – Natatandaan n’yo pa ba ang direktor na si Vincent Sandoval?

Years ago, he was the brilliant mind behind films like Aparisyon and Señorita.

Noong 2013 ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ni Vincent.

Ito’y nang magtungo siya sa Amerika at magpapalit ng kanyang status.

Vincent Sandoval noon, Isabel Sandoval na ngayon!

You read it right, isa nang ganap na sugo ni Eba ang direktor ng aabangang pelikula ni Arjo Atayde.

Produced by Nathan Studios owned by Arjo’s family, anytime now ay magsisimula na ang filming ng pelikulang Moonglow.

Aside from being its director, nasa cast din si Isabel.

While in the US, Isabel had the opportunity to meet BB Gandanghari in person.

Isabel though has nothing much to say about their meet-up except iginagalang daw niya ang dating si Rustom Padilla.

Kung hindi kami nagkakamali, ang Moonglow ay ang followup project ng Nathan Studios sa pelikulang Topak which starred Arjo.

Magkaroon din kaya ng rave reviews ang Moonglow as did Topakk?

Kumusta naman ang working relationship nina Arjo at Isabel?

Pakisagot, Sylvia Sanchez! Ronnie Carrasco III

Previous articleBabala ni Teodoro: Isyu sa WPS inililigaw ng Tsina
Next articleMga mag-aaral, estudyante pinayagang magsuot ng komportableng damit sa pagpasok