Home NATIONWIDE Discaya, naghain ng habeas corpus petition sa korte

Discaya, naghain ng habeas corpus petition sa korte

303
0

MANILA, Philippines – Naghain ng Petition for Habeas Corpus sa korte si Curlee Discaya sa paniniwalang ito ang pinaka-epektibong paraan upang siya ay mapalaya mula sa pagkakakulong matapos ma-cite in contempt ng Senado.

Kinumpirma ni Discaya ang paghahain ng naturang petisyon nang magtungo siya sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules ng umaga.

Sa isang ambush interview sa DOJ, sinabi ni Atty. Cornelio Samaniego III, abogado ng mag-asawang Discaya, na dapat nang mapalaya ang kanyang kliyente dahil wala pang itinakdang iskedyul ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee at hindi pa rin tiyak kung sino ang uupong chairman nito.

Ayon pa kay Atty. Samaniego, patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa imbestigasyon, at bilang patunay umano ay regular silang nagpupunta sa DOJ para sa case build-up ng kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here