Home NATIONWIDE Disenteng kita sa mga magsasaka, tiniyak ng DA

Disenteng kita sa mga magsasaka, tiniyak ng DA

MANILA, Philippines – PINAG-IISIPAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P40 kada kilo ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng “Rice-for-All” program sa kabila ng pagtiyak ng affordable price ng kalakal, at makapagbibigay din ng disenteng kita para sa mga magsasaka.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra na mas maraming “Kadiwa ng Pangulo” trade centers ang inaasahan na itatatag ng pamahalaan para bigyan ang mga Filipino para makapag- access sa P40 kada kilo ng bigas.

“Ang plano po ay palawigin pa at ilagay ang mga Kadiwa ng Pangulo kiosks sa lahat po ng major na palengke nationwide ”aniya pa rin sa isang news forum sa Quezon City, araw ng Sabado Disyembre 7.

Nagsimula ang DA na magbenta ng bigas sa halagang P40 kada kilo sa Kadiwa stores sa mga pangunahing public markets sa Kalakhang Maynila, at maging ang MRT at LRT stations noong nakaraang Huwebes, Disyembre 5. Ang bigas ay available tuwing Martes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 5 ng hapon.

“DA is hoping to open five more kiosks in other public markets next week,” ayon kay Guevarra.

Ang similar arrangements ay gagawin sa LRT at MRT stations sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation, at ang inisyal na lugar ay sa Monumento at LRT North EDSA.

Kung matatandaan, inilatag ni Pangulong Marcos sa kanyang campaign promise na ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

“Kami ngayon ay nakikipag-ugnayan sa aming mga regional counterparts. Ina-identify na po natin iyong ating mga sites na puwede doon sa Kadiwa,” ayon kay Guevarra.

“At the same time, nakipag-usap tayo sa mga retailer association at sa mga importers. They’re very much willing to help,” ang sinabi pa rin niya.

Tinuran din ng DA na maraming tao ang naga-avail ng serbisyo ng Rice-for-All program, na may 30 bags ng 25-kilo ng bigas na nabebenta sa kada oras.

Samantala, sinabi pa ng agriculture department na ang ‘balancing efforts’ ay para tiyakin ang affordable rice sa local market at disenteng income o kita para sa mga magsasaka.

“Binabalanse po natin ang kagustuhan ng ating mga magsasaka at kagustuhan ng ating mga mamimili,” ang sinabi ni Guevarra.

Ayon pa rin kay Guevarra, patuloy na kinilala ng DA ang sentimyento ng mga magsasaka kapag ang presyo ng bigas sa merkado ay mababa.

“May ripple effect kapag masyadong binabaan ang presyo ng bigas. Kung nagtatanim ako ng bigas, baka madismaya ako na magtanim pa dahil nga wala naman kikitain kung ganiyan na kababa ang presyo,” ang winika ni Guevarra.

Nananatili namang tinutulungan ng DA ang mga magsasaka sa pamamagitan ng ‘banner programs’ ng departamento para tulungan ang rice producing areas na madalas na apektado ng mga baha at bagyo. Kris Jose