
UMANI ng samu’t-saring puna at batikos si Senador Joel Villanueva mula sa netizens dahil sa isang viral video kung saan kita siyang sinabihan si Senator Imee Marcos na patigilin si Sen. Risa Hontiveros habang ipinapaliwanag ang kanyang mosyon para manumpa ang mga senador bilang impeachment judge kamakailan para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang video na kumakalat sa online, nakita si Villanueva na nagsasabi kay Marcos na mag-point of order na para pigilan si Hontiveros sa pagkontra sa mosyon ni Dela Rosa.
“Pwede ka na magsalita, pwede mo na sabihin sa mic yung point of order para tumigil siya,” ayon kay Villanueva.
Nag-point of order si Marcos na nag-udyok kay Senate President Chiz Escudero na suspindihin ang sesyon upang mabawasan ang tensyon.
Sa viral video ay kitang-kita ang pagtingin ni Villanueva sa hindi nakitang tao sa gallery na nanonood ng session habang kumindat ito sabay ngiti na tila nanunukso.
Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa ni Villanueva, na inilarawan siya bilang unprofessional, walang galang at parang hindi Pastor.
Nawala ang paghanga ko at dismayado ako sa ipinakita ni Villanueva minsan ding naging Partylist Representative ng kanilang Citizens Battle Against Corruption o CIBAC noon bago pa siya maging senador.
Si Villanueva ay anak ng Evangelist na si Bishop Bro. Eddie Villanueva na na representative ng CIBAC Partylist at Founder at Spiritual Director ng Jesus Is Lord Church Worldwide.
Inaasahang sa darating ding panahon ay malamang na siya ang papalit o hahalili kay Bro. Eddie sa pagka Bishop at Spiritual Director ng JIL.
Nasaan na ang senador at pastor ng JIL Church Worldwide na dapat ay nangangaral ng Salita ng Diyos?
Marapat sana ang senador na ito ay naninindigan laban sa korapsyon at katiwalian, marapat sana ay hindi naglilingkod sa kaalyadong pamilyang politiko lamang kundi dapat ay naglilingkod sa mamamayan at bayan ng tapat, may dangal at may pagsunod sa kabanalan ng Salita ng Diyos.