Home NATIONWIDE Divers ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 pinarangalan ng PCG

Divers ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 pinarangalan ng PCG

190
0

MANILA, Philippines – Binigyang parangal ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nanguna sa pagsisid sa mga nawawalang pasahero ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island sa Bataan.

Mismong si PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang nanguna sa pagbibigay parangal sa mga crew ng BRP Melchora Aquino at mga PCG Technical Wreck Divers na idinaos sa Pier 13, Port Area, Manila.

Partikular na iginawad sa PCG technical wreck divers ay Distinguished Coast Guard Cross Medal and Ribbon, habang ang mga crew naman ng BRP Melchora Aquino ay ginawaran ng Coast Guard Merit Medal and Ribbon dahil sa kanilang natatanging achievement at exemplary performance sa trabaho o sa ginawang search and rescue operations, matapos lumubog ang barkong MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island sa Basilan.

Binigyang-diin ng komandante na sa kabila ng napaka-delikadong pagsisid sa ilalim at hamon sa kondisyon ng dagat ay ipinamalas ng mga diver ang katapangan, husay at dedikasyon para maging ligtas at epektibo ang pagsisid sa recovery operations.

Sinabi ni Admiral Gavan na ang ipinakitang teamwork, pagsisikap at commitment sa duty ng kanilang mga tauhan ay pagpapakita ng malaking partisipasyon sa isinusulong na humanitarian at maritime safety mission ng PCG, na nakapagbigay naman sa kanila ng karangalan sa bawat isa na lalong nakapagbigay kulay sa tradisyon ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here