Home NATIONWIDE Katipunan Formation Program inilunsad ng Archdiocese of Manila

Katipunan Formation Program inilunsad ng Archdiocese of Manila

200
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Arkidiyosesis ng Maynila ang KATIPUNAN Formation Program for Good Citizenship na inendorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang programa, na layong hubugin ang panlipunang konsensya ng mga mananampalataya tungo sa Diyos at bayan.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na buhay pa rin ang diwa ng mapayapang EDSA Revolution noong 1986, na naging simbolo ng pagbabago sa lipunan.

Ayon sa kanya, kailangan ng ebanghelisasyon sa kasalukuyang panlipunan at pampulitikang kaayusan ng bansa.

Inalala rin ng Cardinal ang papel ng Simbahan sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago, kabilang ang mga liham pastoral ng CBCP at mga katuruan ng Second Plenary Council of the Philippines (PCP II).

Dagdag niya, hindi sapat ang pagbabago sa istruktura ng lipunan kung walang pagbabago sa mga pagpapahalaga ng bawat mamamayan.

Ang programa ay nagmula sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan, sa pamumuno ni Archbishop Socrates Villegas, at inendorso ng CBCP upang ipatupad sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Nagpasalamat si Cardinal Advincula sa mga grupong nakibahagi sa paglulunsad ng programa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here