Home NATIONWIDE Divorce bill inalmahan ng CBCP

Divorce bill inalmahan ng CBCP

MANILA, Philippines- Binatikos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nitong Huwebes ang pag-apruba ng House of Representatives sa absolute divorce sa bansa.

“In essence, divorce is anti-family, anti-marriage and anti-children,” ayon sa CBCP.

Inaprubahan ng Kamara noong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa ang divorce bill.

Binanggit ng tagapagsalita ng CBCP na palaging ipinapasa ito ng Kamara sa mga nakaraang kongreso.

Ang huling pagkakataon na nakalusot sa final reading ang isang House divorce bill ay noong 17th Congress, noong unang kalahati ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, ang panukala ay humina sa Senado.

Naaprubahan na ang kasalukuyang bersyon ng Senado ng divorce bill, na inihain nina Senators Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Pia Cayetano at Imee Marcos, sa committee level noong nakaraang taon.

Iginiit ni Secillano na kapag naging batas na ang diborsyo, ilalapat lamang ito sa civil marriages at hindi sa mga ritwal na ginagawa ng Simbahang Katoliko. Jocelyn Tabangcura-Domenden