Home NATIONWIDE Libreng legal aid para sa mahihirap palalawigin

Libreng legal aid para sa mahihirap palalawigin

MANILA, Philippines- Binabalangkas na ng Supreme Court (SC) ang alituntunin sa pagdaragdag ng oras sa pagkakaloob ng free legal aid ng mga abogado para sa mga mahihirap.

Natapos na ang four leg regional consultation sa buong bansa para sa pinal na bersyon ng Unified Legal Aid Service (ULAS) rules.

Sa ilalim ng panukalang ULAS, ang mga saklaw na abogado ay kinakailangang magkaloob ng 60 oras na pro bono legal aid services bawat compliance period na tatlong taon para sa mahihirap at sa mga hindi nabibigyan pansin na sektor ng lipunan.

Sa bagong ULAS Rules, pinalawak ang sakop ng legal services kabilang ang “application of law, legal procedure, o legal knowledge, training and experience” hangga’t libre ang ipagkakaloob na serbisyo para sa kwalipikadong benepisyaryo.

“The expansion enables lawyers to efficiently comply with the ULAS Rules by offering services in their respective fields of expertise and beneficiaries to access such expert legal services.”

Malinaw na nakasaad sa Article III, Section 11 ng Saligang Batas ang pagkakaroon ng libreng access sa Korte at sapat na legal assistance kahit ano pa ang katayuan sa lipunan ng mamamayan.

Sa kabuuan, layon ng bagong rule sa mandatory legal aid services na makamit ang layunin na matugunan ang mga  pagkukulang at limitasyon ng mga lumang rules gaya ng Rule on Mandatory Legal Aid Service for Practicing Lawyers (MLAS) at Rule on Community Legal Aid Service (CLAS). Teresa Tavares