Home NATIONWIDE Zubiri itinalagang pinuno ng Senate economic affairs panel

Zubiri itinalagang pinuno ng Senate economic affairs panel

MANILA, Philippines- Pangungunahan ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang  Senate Economic Affairs Committee bilang bahagi ng pagbalasa sa Senado matapos siyang palitan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sinimulan ni Escudero ang pagbalasa sa Senado partikular ang mahahalagang chairmanship na aabot sa 45 komite na pamumunuan ng 24 miyembro ng Senado.

Bukod kay Zubiri, itinalaga din ng Senado ang miyembro ng “Solid 7” na kinabibilangan nina Senador Nancy Binay, Win Gatchalian, JV Ejercito, Loren Legarda, Edgardo Angara  at Joel Villanueva.

Ngunit, nitong Miyerkules, tinabla ng ilang miyembro ng grupo ni Zubiri ang imbitasyon ng Palasyo na magkaroon ng hapunan. Dumalo sa pagpupulong sa Palasyo sina Gatchalian at Legarda.

Kabilang sa itinalaga sina Angara sa Committee on Justice and Human Rights; Binay, Committee on Sustainable Goals; Ejercíto, Committee on Local Government at Villanueva, Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Ayon kay Escudero, naitalaga Sen. Alan Peter Cayetano bilang chairman ng Committee on Accounts, kapalit ni Binay at Committee on Higher, Technical and Vocational Education, kapalit ni Villanueva.

“Zubiri expressed… their desire to have committees and to work,” ayon kay Escudero.

“I wholly agree because we need people who can help us,” aniya. “Everyone should have a committee.”

Wala pang komite sina Gatchalian at Legarda na kapwa dumalo sa dinner sa Palasyo pagkatapos ng kudeta sa Senado. Ernie Reyes