Manila, Philippines – Dahil si Bobot Mortiz ang creator at naging direktor ng children show na Goin’ Bulilit, laking tuwa nito no’ng sabihin sa kanyang magbabalik ang dating skat na children show.
Five years ago, nahinto ang show dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN at iba’t ibang production problems.
Sa panayam kay Direk Mortiz, aniya’y sinubukan daw niya itong ilapit sa ilang networks noong nawala ito sa ere pero may ‘di napagkasunduan sa kontrata.
Ayon sa panayam kay Direk Bobot ng ABS-CBN news, buti na lamang daw at di natuloy ang kanyang deal na ilipat ang GB sa iba.
“Pasalamat ako at nakabalik pa kami.”
Kaugnay nito, inanunsiyo na kamakailan lang ng ABS-CBN ang pagbabalik ng nasabing show na magkakaroon ng audition ngayong darating na May 25.
Pinuri naman ni Mortiz ang mga Showtime Kids na siyang mga unang kasama sa pagbabalik ng kiddie show na binubuo nina Arguz, Emojane, Jace, Kulot at iba pa.
“Hindi ko pa sila nami-meet pero alam kong magagaling sila. Maganda ‘yan kasi masasalihan natin ng ibang bata na magaling talaga,” ani Direk Bobot.
Sabi pa ni Direk Bobet, nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang pagbabalik ng Goin Bulilit.
“Nagulat ako kasi biglaan nga. Pero nakakatuwa naman na maraming excited na mga bata. Ang tagal nawala ang Goin’ Bulilit,” he said.
“Aaminin ko, nu’ng nawala to kung saan-saan ko ‘to inalok, gusto mong gumawa talaga ng ‘Bulilit.’ Siguro kaya hindi natuloy noon kasi eto talaga siya,” sabi niya.
Wala pang anunsiyo ang eksaktong pag-ere ng Goin Bulilit.
Matatandaang dito nag-umpisa sina Belle Mariano, ang newly wed na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz, maging sina Sharlene San Pedro, Judy Ann Santos,Igi Boy Flores, CJ Navato, Carl John Barrameda at iba pa. Ador Saluta