Home NATIONWIDE Divorce Law para wakasan “abusive loveless marriages” isabatas na – grupo

Divorce Law para wakasan “abusive loveless marriages” isabatas na – grupo

117
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng isang grupo ang panawagan para sa pagpasa ng divorce law sa Pilipinas, na anila ay kinakailangan upang wakasan ang tinawag nilang “abusive loveless marriages,” habang patuloy na pinagdedebatehan sa Kongreso ang iba’t ibang panukala ukol dito.

Ayon kay Cici Leuenberger Jueco, founder ng “Divorce for the Philippines Now,” 12 taon na nilang isinusulong ang panukala at nakarating na ito sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives noong 19th Congress ngunit hindi na nailista para sa plenary sa Senado.

“Pinag-aawayan nila ang word na divorce ba o dissolution ang gagamitin. Whether the final language of the bill refers to dissolution of marriage or absolute divorce, we affirm the name is negotiable, that justice is not,” ani Jueco sa pagdinig ng House Committee on Population and Family Relations.

“What matters is 20th Congress delivers what decades of survivors, women’s rights advocates… and legal reformers have demanded – a law that ends forced entrapment and abusive loveless or dead marriages,” dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, bukas ang mga tagapagtaguyod ng panukala sa anumang terminolohiya, basta’t mapoprotektahan ang mga biktima ng abuso, pag-abandona, at hindi na maaayos na relasyon.

“This is not about destroying families, it is about freeing those already destroyed by violence, abandonment, and irreconcilable harm… Our call to all the legislators, we urge our lawmakers, do not let semantics stall justice, do not let another congress pass without delivering this long-overdue reform,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na hindi siya tutol sa divorce ngunit nais niyang palitan nito ang annulment system sa halip na magdagdag ng iba pang mekanismo.

“I don’t have any problem with the divorce bill. Wala akong problema dun. Ang problema ko, we have more laws that destroy marriages than laws that protect them,” ani Abante.

“For example, mayroon tayong nullity of marriage, mayroon tayong legal separation, ano ang batas na nagawa natin to protect marriages,” dagdag niya.

“Ito ang gawin natin: Tanggalin natin ang annulment, ipalit ang divorce. Pero kung hahayaan natin madagdagan pa ang divorce bill, mayroon tayong annulment, makikipag-debate ako dito,” ani Abante.

Binigyang-diin din niya ang pananaw tungkol sa responsibilidad ng mag-asawa.

“Alam ko mayroong marriages na dapat talaga nating i-dissolve because of some bad attitude of people pero kinakailangan din malaman ng bawat isa na nagsimula ito sa kasalanan, kasalanan ng tao. Huwag natin i-blame ang gobyerno dito. Ang simula niyan kasalanan,” aniya.

Samantala, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na layunin ng panukalang divorce na magbigay ng dagdag na opsyon sa mga nasa toxic o hindi na maaayos na relasyon, at gawing mas abot-kaya at accessible ang proseso.

“Ang pakay ng panukalang batas na ito ay hindi para pahinain ang institution ng kasal bagkus, nagbibigay ito ng makataong solusyon kapag ang kasal, kapag ang marriage ay nakakasama na at hindi na maaayos pa,” ani Elago.

Dagdag niya, may libreng legal assistance para sa mga walang kakayahang magbayad, limitasyon sa abogado fees, at mas mabilis na proseso depende sa grounds ng kaso, kabilang ang administrative procedures para sa foreign divorce recognition.

Nakatakdang magtakda muli ng hearing ang komite at bubuo rin ng technical working group para pag-isahin ang mga panukala sa divorce. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here