Home ENTERTAINMENT Diwata, hinamon si Rendon ng palakihan ng nota!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Diwata, hinamon si Rendon ng palakihan ng nota!June 10, 2025 13:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Ano nga ba ang kasabihan–na pag napuno na ang salop ay kailangan nang kalusin?Ganitung-ganito ang nangyayari na sa sikat na paresan owner na si Diwata.Humulagpos na kasi ang pagtitimpi nito sa kanyang numero unong kritiko, ang motivational speaker na si Rendon Labador.Sa buwisit nga ni Diwata ay ipinost niya sa Facebook ang hamon niya kay Rendon.“Lalaki sa lalaki tayo…magpalakihan na lang tayo ng pagkalalaki…palakihan na lang tayo ng nota! (Laughing emojis)!” hamon niya.Naguguluhan na raw kasi si Diwata kung totoong lalaki si Rendon na daig pa raw ang bakla.Ipinost naman ni Rendon ang screenshot ng video call ni Diwata kausap si Marvin Agustin.Binalaan ni Diwata ang aktor na huwag i-tag si Rendon dahil masyado pa naman daw itong seloso.Humirit pa si Rendon na bibilib daw siya kay Diwata kung gagawin siyang content ni Marvin kasama ang cochinillo nito.Nakiusap din si Rendon na huwag siyang i-tag ni Diwata: “Dahil ang baho ng news feed ko!”Inengganyo rin ni Rendon si Diwata na ugaliing maligo.“Ligo-ligo din pag may time,” pang-aasar nito.Kung tutuusin, ngayon lang bumuwelta si Diwata kay Rendon, na ewan kung iko-call ang hamon nito na magpalakihan na lang sila ng “sandata.”Ang tagal naman… Ronnie Carrasco III