Home NATIONWIDE Diwata sinita ng NCIP sa ‘cultural appropriation’ sa pagsusuot ng tradisyunal na...

Diwata sinita ng NCIP sa ‘cultural appropriation’ sa pagsusuot ng tradisyunal na IP attire

MANILA, Philippines- Inulan ng pagbatikos at kritisismo sa online si Deo Balbuena, mas kilala bilang food vlogger na si “Diwata” matapos na magalit ang netizens at ang state tribal rights body sa kanyang “demeaning gestures” laban sa Indigenous Peoples sa kanyang naging pagbisita sa Baguio at La Trinidad, Benguet.

Partikular na kinastigo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang vlog ni Diwata kung saan nakasuot siya ng traditional attire na nabibilang lamang sa isa sa mga IP community ng Cordillera.

Nakasuot ang content creator ng tribal outfit sa Grand Float Parade sa Panagbenga (Baguio Flower Festival) at sa Strawberry Farm sa La Trinidad, habang gumagawa ng kung ano-anong aksyon na itinuturing na “insensitive at disrespectful” sa IPs.

Makikita si Diwata na inilabas ang kanyang dila at nilaro ang sibat sa pagpupumilit nitong i-entertain ang crowd na ginagaya ang pinaniniwalaan nilang tunog na ginagawa ng ilang tribo.

May isang post kung saan nakasuot siya ng cultural attire habang hawak ang ‘bow’ at may caption na: “Hindi kumpleto ang pag punta dito kung hindi ako mag suot ng Native Costumes.”.

Sinasabing nagdulot ng “widespread outrage” si Diwata, sinabi ng NCIP na ang pag-viral ni Diwata ay “insensitive cultural appropriation” nq nag-iwan ng ‘bitter aftertaste’ na gumulantang sa Indigenous Cultural Communities (ICCs) at IPs sa rehiyon.

Gaya ng tinukoy ng Oxford Languages, ang cultural appropriation ay “the unacknowledged or inappropriate adoption of the customs, practices, ideas, etc. of one people or society by members of another and typically more dominant people or society.”

Habang kinikilala ng NCIP na hindi naman intensyon ni Diwata na i-degrade ang IP culture, binibigyang-diin pa rin nito na ang insidente ay pagpapakita ng “persistent challenges” na ang IPs at ang state tribal rights body ay nahaharap sa kanilang pagsisikap na i-“decolonize” ang mga Filipino tungo sa ICCs at IPs.

Nilinaw din ng NCIP na hindi nabibilang si Diwata sa anumang angkan, lahi at tribo ng Cordillera province — Ifugao, Kalinga, Abra, Benguet, Apayao, at Mountain Province— at ang kanyang gawi ay hindi kumakatawan sa ‘values at cultures’ ng Cordillera.

“From the vlog, Diwata attributed the ICCs/IP’s native attire as costume. In effect, relegating the IP’s attire, which forms part and parcel of the IPs’ customes and identity, as a mere accessory, or worst, trinkets,” ang nakasaad sa kalatas ng NCIP.

“It is vital to recognize that his actions, either intentional or unintentional, reflect a broader societal issue… The backlash experienced from this event indicates that significant work remains to be done in promoting cultural awareness and sensitivity, thus, highlighting more the urgent need for continued efforts toi educate and reshape perception toward the ICCs/IPs,” dagdag na wika ng NCIP.

Binanggit din ng NCIP ang advisory no. NA-2023-09-002 nito “which cleared that cultural materials like traditional attires and accessories are deemed sacred for Indigenous Peoples.”

“This explained that the materials sometimes depend on the status of some IP groups and are worn in accordance to their respective special occasions and festivals,” ayon sa NCIP.

Binigyang-diin sa advisory na ang paggamit ng tradisyunal na IP attires ay nangangailangan ng permiso mula sa komunidad kung saan ang cultural materials ay kinikilala, at ang pagsusuot ay pagpapakita ng “respect and deference.”

Maliban dito, nanawagan din ang netizens kay Diwata at sa iba pang politiko na dumalo sa float parade para sa umano’y pangangampanya na huwag gamitin ang mga tradisyunal na bagay na hindi humihingi ng permiso.

Nauna rito, iniimbestigahan na ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI) ang dalawang partikular na floats para sa posibleng paglabag sa mahigpit na rules laban sa pangangampanya sa nasabing event.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Diwata sa ICCs sa Cordillera Region.

“Inaako ko ang aking pagkakamali at ang sakit at galit na idinulot nito. Nagpadala ako sa aking pusong bata dahil sobrang saya ko nang makarating ako – for the first time sa Baguio. Magsilbi po sanang akong paalala sa lahat na ang kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan nating mga Pilipino at maging sa ibang lahi ay dapat bigyan ng mataas na respeto, at nabigo akong gawin iyon,” ang sinabi ni Diwata sa kanyang Facebook post.

“Ngayon ko lubos na naunawaan na ang aking kilos—ang pagsuot ng tradisyunal na kasuotan sa isang hindi angkop na paraan at ang pagtawag dito bilang isang “costume”—ay isang malaking pagkakamali,” dagdag niya.

“Bilang pagwawasto, ako po ay magsisikap na mas maunawaan at pag-aralan ang kultura ng mga komunidad na aking ipinapakita sa aking contents. Makikinig ako sa mga payo at hatol ng ICC at titiyakin na sa susunod, ang aking plataporma ay magiging daan upang ipalaganap ang pag-galang at tamang pagpapahalaga sa kultura,” paliwanag pa ni Diwata. Kris Jose