Home METRO Driver ng trak sa pagguho ng tulay sumuko

Driver ng trak sa pagguho ng tulay sumuko

ISABELA- Kusang sumuko sa mga awtoridad ang 34-anyos na truck driver at pahinante kasunod ng pagguho ng Cabagan- Sta. Maria Bridge noong Huwebes .

Ayon kay PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng Cabagan Police Station, natakot ang driver na taga-Tabuk City, Kalinga kaya siya tumakas.

Sa pahayag ng driver, bandang alas-8:30 ng gabi ay pinadaan sila ng gwardiya na nagbabantay sa sa tulay at isa ring truck ang kanilang sinundan.

Ayon kay Villanueva, ipatatawag din nila ang sinasabing gwardiya na nagpadaan sa truck gayong light vehicles lang ang pwedeng dumaan sa tulay.

Dagdag pa ni Villanueva, hindi naman kakasuhan ang drayber at pahinante ng dumptruck bagama’t isa sa nakikitang dahilan ng pagguho ng bahagi ng tulay ay ang pagtawid ng dalawang dumptruck, subalit itinuturing pa ring biktima ang mga ito kaya’t hindi na kakasuhan pa.

Sa ngayon ay hinahanap nila ang nagbabantay sa tulay na posibleng managot dahil sa paglabag nito sa regulasyon.

Hinihintay na rin ng mga awtoriad ang ilalabas na pahayag ng Department of Public Works and Highways Region 2 at ang tulong na rin ng Bureau of Design at Bureau of Construction. Mary Anne Sapico