Home HOME BANNER STORY Dizon, handa muling tumestigo sa mga kaso vs Zaldy Co

Dizon, handa muling tumestigo sa mga kaso vs Zaldy Co

3
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kahandaang muling tumestigo si bagong Transportation Secretary Vince Dizon sa mga susunod na paglilitis laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at iba pang personalidad na nasasangkot umano sa flood control scandal.

Tinanong si Dizon kung haharap pa rin siya sa Sandiganbayan sakaling ipatawag bilang saksi kahit hindi na siya kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Syempre, kung ano’ng kailangan sa atin ng Ombudsman gagawin natin kasi kailangan tuloy-tuloy na makulong sina Zaldy Co,” ani Dizon.

Huling tumestigo si Dizon noong Setyembre 23 sa graft case laban kay Co sa Sandiganbayan Fifth Division. Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang proyektong nagkakahalaga ng P289.4 milyon sa Naujan, Oriental Mindoro.

Naglabas ang korte ng mga warrant of arrest noong Nobyembre 2025 laban kay Co at sa kanyang mga kapwa akusado mula sa DPWH at Sunwest Corp. kaugnay ng mga umano’y iregularidad sa proyekto, matapos matuklasang may mga depekto sa istruktura nito.

Nagsagawa mismo ng inspeksiyon si Dizon sa proyekto at sinabi niyang substandard ang mga ikinabit na sheet pile.

Tumestigo rin siya sa malversation case laban kay Co noong Enero ng taong ito. Matapos ang pagdinig, sinabi ni Dizon na naniniwala siyang “strong” ang ebidensiya sa kaso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here