Home NATIONWIDE Tupas: Kasong isinampa sa kaniya ng NBI sa DOJ, harassment

Tupas: Kasong isinampa sa kaniya ng NBI sa DOJ, harassment

2
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni dating Davao City information officer Jefry Tupas na harassment lamang ang kasong isinampa laban sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ).

Kinuwestiyon ni Tupas, na dating nagsilbi kay Vice President Sara Duterte, ang imbestigasyon ng NBI sa ilalim ni Director Melvin Matibag.

Ayon kay Tupas, siya pa mismo ang nagharap ng ebidensiyang magpapatunay na hindi totoo ang alegasyon ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano siya ng maleta ng pera para sa mga Duterte sa utos ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Sinabi ni Tupas na walang naipakitang patunay si Gracioso na nag-abot ito ng maletang may lamang pera, ngunit tila mas pinaniwalaan pa umano ng NBI ang salaysay ng dating pulis.

Itinanggi rin ni Tupas ang alegasyon ni Matibag na nagbanta siya sa seguridad ng opisyal.

Inirekomenda ng NBI na kasuhan si Tupas ng obstruction of justice, cyberlibel at pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng sinumpaang salaysay ni Gracioso, na nag-aakusa umanong tumanggap si Tupas ng perang nakalaan kay VP Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here