Home SPORTS Djokovic sibak sa US Open

Djokovic sibak sa US Open

Natapos  ang pinakabagong bid ni Novak Djokovic para sa rekord na ika-25 Grand Slam title nang ibagsak ni 28th-ranked Alexei Popyrin ang defending champion mula sa US Open third round.

Isang araw matapos ang third seed na si Carlos Alcaraz ay bumagsak sa isang malaking pagkatalo laban kay 74th-ranked Botic van de Zandschulp, tinigpas ni Popyrin, 25, ang torneo ng isa pang superstar na may 6-4, 6-4, 2-6, 6-4 na panalo.

Ibinigay ni Popyrin kay Djokovic ang kanyang pinakamaagang paglabas sa US Open sa loob ng 18 taon at ang kanyang pinakaunang paglabas sa Grand Slam mula nang mahulog siya sa ikalawang round ng Australian Open noong 2017.

Ang isang career-high na 14 double faults – 49 unforced errors sa kabuuan – ay sobra para madaig ni Djokovic.

“Ito ay isang kakila-kilabot na laban para sa akin,” sabi ni Djokovic.

“Naglaro ako ng ilan sa aking pinakamasamang tennis kailanman.”

Nakaligtas ang defending women’s champion na si Coco Gauff sa late-match drama sa 3-6, 6-3, 6-3 na tagumpay laban kay Elina Svitolina.

Sunod na makakaharap ni Gauff ang kapwa Amerikanong si Emma Navarro, na tinalo si Marta Kostyuk ng Ukraine 6-4, 4-6, 6-3.