MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado na pinangasiwaan nito ang paglipat ng siphoned oil spill mula sa MTKR Terranova patungo sa isa pang barko, na ililipat sa isang dockyard sa Bataan.
“The PCG facilitated the transfer of the siphoned oily waste from the MT Helen Marie. This mixture was received from MT Terranova and is being prepared for transfer to RMS Lori Tanker at the Orion Dockyard in Bataan, yesterday, 30 August,” sinabi ng PCG said sa post sa X (formerly Twitter).
Ito ay matapos iulat ng PCG na mahigit 900,000 litro ng langis ang nakolekta sa ngayon sa mga operasyon ng siphoning para sa lumubog na motor tanker.
Sinabi ng PCG na may kabuuang 903,265 litro ang nakolekta mula sa MTKR Terranova mula Agosto 19 hanggang 29:
Isang tripulante ang namatay at 16 iba pa ang nailigtas matapos tumaob ang MTKR Terranova at lumubog sa layong 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay noong Hulyo 25.
May kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil ang motor tanker nang mangyari ang insidente.
Bukod sa MTKR Terranova, tumugon din ang PCG sa lumubog na MTKR Jason Bradley at sumadsad ang MV Mirola 1 sa Bataan.
Tinitingnan ng PCG at National Bureau of Investigation (NBI) kung sangkot sa oil smuggling ang tatlong barko. Itinanggi ng mga may-ari ng MTKR Terranova ang paratang.
Dahil sa epekto ng oil spill, idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Bataan gayundin sa siyam na lungsod at bayan sa Cavite. Jocelyn Tabangcura-Domenden