Manila, Philippines- Malamang ay child abuse ang kasong isasampa ng kampo ni Gerald Santos laban sa umano’y nang-rape sa kanya.
Ito ang sinabi mismo ng tumatayong abogado ng singer na si Atty. Noel Malaya.
Pero giit niya, child abuse kung pasok pa ito sa prescriptive period.
Mas posible raw ang nasabing kaso kesa sa rape.
‘Yun ay dahil ang involved ay kapwa lalaki.
The charge can only be rape sa kaso ng dalawang lalaki kung nagkaroon ng penetration.
Maaalalang hindi sinagot ni Gerald sa Senate hearing ang tanong ni Senator Jinggoy Estrada if there was penetration.
Sa bandang huli nga ay pumayag si Gerald na ipupursige niya ang kaso laban sa musical director who he later identified as Danny Tan.
Tan had served as musical director of Pinoy Pop Superstar on GMA.
Kinse anyos pa lang daw noon si Gerald who claimed he was raped on December 25 and 26 in 2005.
Samantala, na-curious bigla ang mga netizens how Gerald looked noong mga panahong ‘yon.
Out of sheer curiosity, pinanood nila ang old episodes ng Pinoy Pop Superstar during Gerald’s time.
Ayon sa mga nakapanood, totoy na totoy pa raw talaga ang walang kamuwang-muwang na bata who only had lofty dreams for his family kaya nagsikap ito sa buhay. Ronnie Carrasco III