Home NATIONWIDE DMW handa sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa gitna ng Israel-Iran conflict

DMW handa sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa gitna ng Israel-Iran conflict

MANILA, Philippines- Nakahanda na ang Department of MIgrant Workers para sa mass evacuation ng overseas Filipinos mula Israel, kung saan inihayag ni Secretary Hans Leo Cacdac na maingat na tinatasa ang sitwasyon kabilang ang air space para makarating sa tamang tiyempo.

Paliwanag ni Cacdac, dapat isaayos nang mabuti lalo na sa gitna ng putukan o hidwaan. Kailangan din aniyang tantyahin nang maigi ang repatriation pero sila ay nakahanda.

Hinimok ng kalihim ang mga pamilya sa Pilipinas na itsek ang kanilang mga kamag-anak sa Israel sa pamamagitan ng DMW holines.

Ayon kay Cacdac, may inorganisang help desk na may hotlines na naka-post online noong Hunyo 14, ang araw matapos na maglunsad ng putukan ang Israel sa Iran.

Mayroong tinatayang 30,000 Pilipino sa Israel habang 30 lamang sa Iran, ayon kay Cacdac. Jocelyn Tabangcura-Domenden