MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang paaralan sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City nitong Linggo ng umaga.
Ang apektadong paaralan, ang San Francisco High School, ay nasa Misamis Street malapit sa isang shopping mall, ayon sa ulat.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang first alarm ng alas-10:52 ng umaga.
Agad itong itinaas ng BFP sa third alarm.
Nakontrol ng mga bumbero ang sunog bandang alas-12 ng tanghali.
Napinsala sa insidente ang faculty room ng paaralan.
Nagsasagawa na ang BFP ng imbestigasyon upang matukoy ang mitsa ng sunog at estimated cost ng property damage.
Samantala, sinabi ng Department of Education (DepEd): “For damage assessment muna ito, then it will be prioritized to be included for Quick Response Fund ng department…For the meantime, arrangements are being done to accommodate classes of displaced learners.” RNT/SA