Home NATIONWIDE DMW: Mga Pinoy ligtas sa Taiwan quakes

DMW: Mga Pinoy ligtas sa Taiwan quakes

MANILA, Philippines- Wala pang Pilipinong naiulat na nasugatan kasunod ng dalawang lindol na tumama sa Taiwan nitong Linggo ng umaga, ayon sa Department of Migrant Workers.

Iniulat ng Central Weather Administration na niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Taiwan ng alas-9:27 ng umaga.

Makalipas ang isang minuto, tumama naman ang 4.4 magnitude sa lugar. Tinatayang 160,000 Pilipino ang nasa isla.

Ang epicenter ng unang lindol ay sa dagat, 21.2 kilometro sa timog ng Hualien County.

Sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan ang Migrant Workers Office sa Taipei sa Taiwan government at sa Manila Economic and Cultural Office upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Dagdag nito, maglalabas din ang MWO ng updates ukol sa kalagayan ng mga Pilipino sa Taiwan kasunod ng lindol. RNT/SA