Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa ilang lugar sa PH

Easterlies magpapaulan sa ilang lugar sa PH

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies sa eastern sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Lunes, na magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Ang coastal waters naman ay magiging moderate sa Extreme Northern Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:26 ng umaga at lulubog ng alas-6:22 ng hapon. RNT/SA