MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Department of Migrant Workers ang matibay na desisyon na ipatupad ang Magna Carta for Seafarers sa mga kamakailang kaso ng pag-abandona ng mga marino upang matiyak na sila ay protektado laban sa hindi patas na gawain kabilang ang pag-abandona.
Binigyang-diin ng DMW na mayroon nang mga international standard measure para tugunan ang mga kaso ng pag-abandona, kabilang ang pagtiyak sa mga lisensyadong manning agencies sa Pilipinas na subaybayan ang mga sitwasyon ng pag-abandona, kabilang ang kautusan sa pagbabayad ng sahod ng mga marino, pagtiyak na ang mga pamantayan sa accommodation, pagkain, tubig, pangangalagang medikal, at iba pa.
Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng Migrant Workers Offices (MWOs) nito ang katayuan ng mga marino mula sa mga sasakyang pandagat na inabandona sa iba’t ibang pagkakataon.
1. MV Atheras at Buenaventura (Panamanian Bulk Carrier)
Ang DMW, sa pamamagitan ng Maritime Workers’ Office (MWO) sa London, ay nag-uulat na parehong tiniyak ng mga may-ari ng barko at lisensyadong manning agency na ang mga alokasyon ng mga tripulante noong Enero 2025 ay nabayaran nang buo.
2. MV Gemini (Passenger Ship)
Iniulat ng Licensed Manning Agency (LMA), TDG Crew Management, Inc., na wala nang mga tripulante na nakasakay sa barko simula noong Pebrero 20, 2025.
3. MV Manticor (Bulk Carrier)
Kinumpirma ng LMA, Virtue Maritime Services Corporation, na lahat ng tripulante ay ligtas nang naiuwi at ang kanilang mga suweldo ay nabayaran nang buo.
4. Team Porter (Salvage/Rescue Vessel)
Ang Diamond-H Marine Services and Shipping Agency, Inc. ay nag-ulat na ang lahat ng Filipino crew members ay kasalukuyang nananatili sa Bernham Seaman’s Hotel sa Bremerhaven, Germany, habang hinihintay ang kanilang mga flight pabalik ng Pilipinas.
Sinasabi ng mga ulat na mayroong 742 na naitala na mga abandonadong sasakyang pandagat mula 2020-2024, 159 sa mga ito ay nasa Panama, Palau, Tanzania, Comoros, Cameroon.
Karamihan sa mga barko ay inabandona sa Middle East, Europe, Asia Pacific, Africa, Latin America, North America at pito (7) ang naiulat sa karagatan.
Ang mga karagdagang ulat ay nagsasabi na mula 2018-2024, mayroong 842 na abandonadong Filipino seafarer sa fishing vessel, passenger, yate, long liner at bulk carrier.
Lahat ng mga Pilipinong marino at kanilang mga pamilya ay hinihikayat na mag-ulat sa DMWs One Repatriation Command Center (ORCC) kung mangyari ang pag-abandona.
Gayundin, inuulit ng DMW ang panawagan nito sa mga lisensyadong manning agencies at mga may-ari ng barko na mag-ulat sa DMW sa loob ng limang araw, at dapat nilang ayusin ang agarang pagpapauwi ng seafarer.
Kung ang kinauukulang LMA at may-ari ng barko, ay bigong mag-repatraite, ang DMW sa pamamagitan ng opisina ng MWO nito sa Port State kung saan matatagpuan ang mga inabandonang seafarer, ay aayusin ang pagpapauwi sa pamamagitan ng AKSYON Fund.
Ang DMW ay nananatiling nakatuon sa mandato nito, at mahigpit nitong tinututulan ang gawain ng shipowners ng pag-abandona sa mga marino sa mga daungan at sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden