MANILA, Philippines – AABOT sa 18 volcanic earthquakes ang naitala sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon nitong Biyernes sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa Phivolcs kabilang dito ang isang volcanic tremor na tumagal ng 15 minuto na pagyanig.
Sinabi pa ng Phivolcs na nagbuga rin ng abo ang bulkan, na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, noong Biyernes na tumagal ng 15 minuto.
Idinagdag pa sa ulat na ang bulkang Kanlaon ay nagbuga din ng 2,181 tonelada ng sulfur dioxide noong Biyernes.
Nabatid pa sa ulat na nagbuga rin ng animo’y askfall (balahibo) na may taas na hanggang 200 metro mula sa bunganga habang patuloy ang pag-degas ng bulkan.
Sinabi pa ng Phivolcs na nananatiling mataas ang edipisyo ng bulkang Kanlaon.
Sinabi pa ng Phivolcs na nananatili ang Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) sa paligid ng bulkang Kanlaon hanggang sa Sabado.
Muling iginiit ng PHIVOLCS na dapat ilikas ang anim na kilometrong radius mula sa summit ng bulkan.
Kaugnay nito, ipinagbabawal ang paglipad ng ano mang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. Santi Celario