Home NATIONWIDE DMW, OWWA naka-alerto 24 oras sa Israel-Iran conflict

DMW, OWWA naka-alerto 24 oras sa Israel-Iran conflict

MANILA, Philippines – NAKAALERTO ang Department of Migrant Workers (DMW) at (OWWA) Overseas Workers Welfare Administration para tulungan ang mga kababayan at kanilang pamilya sa gitna ng tumitinding tensiyon sa Middle East.

Ipinaalala ng dalawang ahensya na mahalagang manatiling ligtas, kaya manatili muna sa loob ng bahay kung delikado sa mga lugar na kinaroroonan nila; gayundin kailangan umanong laging manatiling konektado sa mga opisina ng pamahalaan para sa agarang update.

Hinihingi rin umano ng pamahalaan ang pakikiisa ng mga OFW at kanilang mga Pamilya na iwasang mag-share ng mga impormasyong hindi kumpirmado para maiwasan ang kalituhan.

Tiniyak naman ng DMW at OWWA na nakatutok ang DMW, DFA, DND, at OWWA sa sitwasyon para masigurong ligtas ang lahat.

Kung kinakailangan umano ang tulong o impormasyon, maaaring tumawag or mag message sa :

📞 24/7 DMW-OWWA Hotline (Pilipinas): 1348
🌍 Kung nasa abroad: +63 2 1348

📱 Viber / WhatsApp (tawag o text):
• +63 908 326 8344
• +63 927 147 8186
• +63 920 517 1059

HOTLINE NG MIGRANT WORKERS’ OFFICES (MWO)

🇮🇱 ISRAEL
• Embahada sa Tel Aviv: +972 54 466 1188
• MWO: +972 50 762 2590
• OWO: +972 50 715 6937

🇱🇧 LEBANON
• Embahada sa Beirut: +961 70 858 086
• MWO: +961 79 110 729

🇯🇴 JORDAN
• MWO: +962 7 8149 1183 / +962 7 8519 1891

Dave Baluyot