Home NATIONWIDE DND: 2016 arbitral ruling ‘di lang salita

DND: 2016 arbitral ruling ‘di lang salita

95
0

MANILA, Philippines- Ginunita ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes, Hulyo 12, ang ika-walong anibersaryo ng 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA), kung saan sinabi ng departamentong higit pa sa piraso ng papel kundi patunay ng karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito.

Inihayag ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na isinasapuso ng bawat miyembro ng DND ang arbitral ruling, kung saan binanggit ang mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre (LS-57) outpost sa Ayungin (Second Thomas) Shoal.

“Ito pong award po na ito ay isinasapuso po ng bawat miyembro ng ating Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, lalung-lalo na ang ating mga kawal na nasa LS57, BRP Sierra Madre, sapagkat ang mga gawaing ito po ay isinisigurado lang po na para sa Pilipino ang likas na yaman sa ilalim ng karagatan ng West Philippine Sea at gamitin ito para sa ating henerasyon at sa mga susunod na henerasyon upang mapayaman, maging matibay at matatag ang ating bansa,” wika ni Teodoro.

“Kaya po, ito po ay hindi biro-biro, hindi po ito salita lamang. Ginagawa po namin araw-araw – pinagsisikapan po namin na mapangalagaan ang teritoryo at sovereign rights ng ating bansa upang makinabang ang Republika ng Pilipinas, at hindi ano mang bansa,” ayon pa sa opisyal.

Samantala, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang arbitral award ay nangunguna sa foreign policy ni Pangulong Marcos Jr.

“Of course we don’t want war and nobody wants war. This is a combination of a lot of strategies including diplomatic, information, legal, even socio-economic and including military and law enforcement so we need to balance all of that,” giit ng opisyal sa sidelines ng West Philippine Sea conference sa Makati City na inorganisa ng Stratbase ADR Institute.

“This is a landmark [ruling] by the arbitral tribunal and it shows that the international law is behind our back. This invalidated China’s 10-dash line, nine-dash line claims in that area,” pahayag naman ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson for the WPS.

Noong 2016, tinukoy sa unanimous Arbitral Tribunal sa ilalim ng 1982 Law of the Sea Convention na labag sa international law ang malawak na South China Sea maritime claims ng China.

Subalit, makalipas ang walong taon ay hindi pa rin kinikilala ng China ang desisyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here