BATAAN – Muling idineklara ang state of calamity sa Bataan dahil sa banta ng oil spill matapos ang sunud-sunod na insidente ng maritime sa lugar.
Nilagdaan ni Bataan Governor Joet Garcia nitong Lunes ang Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 328, series of 2024 dahil naapektuhan ng oil spill ang 17,000 mangingisda sa lalawigan.
Sa pagbanggit sa ulat ng Provincial Social Welfare and Development Office, sinabi ni Garcia na 10,174 pamilya sa Limay at 4,822 sa Mariveles ang apektado rin.
Dagdag pa niya, ang deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan ay mangangahulugan ng karagdagang pondo para mapigil ang epekto ng mga oil spill at mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente.
Ang MKTR Terranova, na may dalang 1.4 milyong litro ng pang-industriyang langis.
Makalipas ang isang araw, lumubog ang MTKR Jason Bradley na may 5,500 diesel sa katubigan ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.
Samantala, sumadsad ang MV Mirola 1 noong Hulyo 31 sa katubigan ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.
Isinailalim kamakailan sa state of calamity ang lalawigan ng Bataan matapos ang pananalasa ng habagat na pinalakas ng tropical cyclone Carina. RNT