Pinangunahan ni Senador Bam Aquino ang pagdinig ng Komite sa Batayang Edukasyon upang talakayin ang Senate Resolution No. 252 o ang mga Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan bilang pangunahing estratehiya upang matugunan ang pagsisikip ng mga silid-aralan."Mahigpit na kinakailangan ang isang buong bansa, buong gobyerno na lapit upang matugunan ang krisis sa edukasyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin upang magtayo ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tamang paraan, at sa tamang oras,” sabi ni Aquino nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.
MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Bam Aquino na agarang pagbalik ng fuel subsidies para sa transport sector works sa harap ng nakaambang paglobo ng presyo ng langis dahil sa kaguluhan sa Middle East.
Kasabay nito, muli niyang binigyang-diin ang panawagang palakasin ang laban sa korapsyon upang makatulong na mapunan ang posibleng kawalan ng kita kung isususpinde ang excise tax sa produktong petrolyo.
“We know that ang ating jeepney drivers, tricycle drivers, our PUV drivers will be heavily affected kung magtaas ang presyo ng gasolina at ng diesel,” sabi ni Aquino sa isang panayam sa telebisyon.
Naghain siya ng Senate Bill No. 1923 na naglalayong bigyan ang Presidente ng kapangyarihan na suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa panahon ng pambansa o pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.
“That’s also the reason kung bakit tayo nanawagan na mabigyan ng tulong iyong ating transport drivers and transport workers. Nagawa ito during the pandemic noong 2023 and there was some support given to them,” dagdag niya, kasabay ng paggiit na poprotektahan ng subsidiya ng kita ng higit sa isang milyong drayber laban sa pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina.
Sinabi ni Aquino na saklaw ng subsidy ang mga transport worker gaya ng mga drayber ng jeepney, tricycle, at iba pang public utility vehicles (PUVs), pati na rin ang mga TNVS driver at motorcycle taxi riders.
Samantala, pinawi ni Aquino ang mga pangamba tungkol sa posibleng pagkawala ng kita ng pamahalaan kung isususpinde ang excise tax sa fuel, sa pagsasabing dapat palakasin ang mga hakbang laban sa korapsyon upang madagdagan ang pondo ng gobyerno para sa serbisyo.
“Unahin natin iyong to gaps and close the leaks pagdating sa corruption. Mas malaki iyan di hamak kaysa sa posibleng mawawala na buwis dito sa krudo at dito sa gasolina at diesel. All of these reforms have to be side by side,” wika niya.
“Habang kino-close natin yung mga leaks na iyan, there will be more to spend on services. So ako, kung makita mo siya yes, baka kulangin ang koleksyon pero iyan naman ay pwedeng pagtakpan kung magiging mas maayos ang pagtrato natin sa pera ng bayan,” dagdag pa niya.
Layunin ng Senate Bill No. 1923 na bigyan ang gobyerno ng praktikal na kasangkapan upang protektahan ang mga konsyumer, suportahan ang mga operator ng transport at maliliit na negosyo, at makatulong sa pagpapanatili ng presyo sa lokalidad kapag nanganganib ang ekonomiya dahil sa pandaigdigang kondisyon.
Inaatasan din nito ang Secretary of Finance, sa rekomendasyon ng Commissioner of Internal Revenue, na ilabas ang kinakailangang implementing rules and regulations sa loob ng tatlumpung (30) araw mula nang magkabisa ang batas. Ernie Reyes