Home NATIONWIDE DOE kinastigo sa ‘kawalan ng enerhiya’ sa pagtugon sa kakapusan ng power...

DOE kinastigo sa ‘kawalan ng enerhiya’ sa pagtugon sa kakapusan ng power supply

MANIL, Philippines- Kinastigo ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission, at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kawalan ng “enerhiya” sa pagtugon sa kakapusan ng suplay ng kuryente.

Hinamon ni Hontiveros ang naturang ahensya na magpakita ng pananaw at kakayahan na kailangan upang tugunan ang kakapusan ng power supply sa buong bansa.

Ganito ang reaksyon ni Hontiveros sa pagkadismaya hinggil sa patuloy na kapalpakan ng ahensya na lutasin ang lumalalang isyu sa enerhiya, partikular sa tag-init dahil pangunahing mandato nito na tiyakin ang sapat na suplay at maaasahang sistema.

“Parang kulang sa energy ang mismong Department of Energy at puro kabig naman ang NGCP. DOE’s mandate demands foresight and competence to ensure adequacy of current and future power supply while the NGCP secures the whole system from disturbances, including unplanned and forced outages. Proactive tayo dapat,” ani Hontiveros.

“They cannot go on giving us nothing. Kumilos naman sila,” dagdag niya.

Dahil dito, mahigpit na inirekomenda ni Hontiveros sa DOE na gamitin muli ang “proven industry-standard method” na dati nang ginamit bago pa man maisabatas ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“Energy experts I have spoken with say that the DOE is so much better off using computations through loss of load probability (LOLP), and it is one they are already familiar with. LOLP has a distinct advantage when it comes to forecasting power supply availability. Right now, the agency is computing with a fixed 25 percentage reserve, but it hasn’t been reliable, especially during this summer season,” paliwananag ni Hontiveros.

Wika ni Hontiveros: “The LOLP is a measure of the reliability performance of the power supply system that forecasts the number of days when a brownout could occur in a year.”

“Kung ginamit lang ng DOE ang LOLP, nalaman sana nito ang kinakailangang dagdag na capacity para hindi lalagpas sa isang araw kada taon ang may brownout imbes na halos araw-araw may yellow at red alert. DOE must reevaluate their methodology,” giit pa ng senador.

Hinikayat din niya ang DOE na sumangguni sa eksperto na makatutulong upang maipatupad ang LOLP sa pagpaplano ng suplay ng kuryente ng bansa.

“Hindi sapat magdasal para hindi mag-shut down ang mga power plants natin, kailangang kumilos ang DOE batay sa probabilidad at pleksibilidad na maaring gawin in anticipation of a crisis situation,” ani Hontiveros. “Dapat real planning for real development. Sabi nga, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Para sa NGCP, muling iginiit ni Hontieros ang panawagan na bigyang-prayoridad ang system security kaysa magkamal ng dambuhalang tubo sa pagtatapos ng taon.

Binanggit din ng senador ang April data na ibinigay ng Transco na nagpapakitang gumagalaw ang NGCP sa pirmihang basehan na umabot lamang sa 46% sa regulating reserves, 47% sa contingency reserves, at 28% dispatchable reserves.

“Bakit hindi 100%? Pareho din lang ba sila sa DOE na nagdadasal na walang titirik na planta along the way?” tanong ni Hontiveros. Ernie Reyes