Home TOP STORIES DOH Chief pinatatalupan sa Ombudsman

DOH Chief pinatatalupan sa Ombudsman

307
0

HUMINGI na ng tulong ang mga kawani ng Department of Health (DOH) sa tanghapan ng Ombudsman hinggil sa nakaka-alarma umanong nagaganap na bid-rigging at gawaing katiwalian sa loob ng ahensya hinggil sa seryosong panghihimasok sa proseso ng procurement para sa 150 units ng Mobile Primary Care Facilities na nagkakahalaga ng 12 million pesos kada unit.

Nagtungo sila sa tanggapan ng Ombudsman upang hilingin ang agarang imbestigasyon laban kina Health Secretary Teodoro J. Herbosa, Head Executive Assistant Atty. Brigida H. Romualdez-Aquino, at Executive Assistant VI Allan J. Tope dahil umano sa kanilang pagmamanipula sa bidding na isang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Batay sa reklamo na kanilang isinumite, ang tatlong opisyal umano ay hindi bahagi ng Bids and Awards Committee (BAC) at wala umano silang awtoridad ngunit paulit-ulit na nakikialam sa procurement para sa supply, delivery, testing, at commissioning ng mga bibilhing Mobile Primary Care Facilities.

Tahasan daw na pinapalitan umano ni Herbosa sa pamamagitan ng kanyang pinagkakatiwalaang executive assistant na si Tope ang Terms of Reference (TOR) at iginiit na gamitin ang kanilang binuong bersyon.

Ipinunto ng nagrereklamo na malinaw na hindi end-user ng mga prino-procure na sasakyan ang tatlong opisyal kaya’t wala silang masasabing teknikal na basehan sa mga ipinabago nilang specifications. Pag-labag umano ito sa New Government Procurement Act.

Binigyang-diin ng mga empleyado na tanging ang End-User Unit lamang ang may kapangyarihang bumuo ng technical specifications at ang BAC lamang ang maaaring sumuri nito. Ang ginawang panghihimasok nila Herbosa, ayon sa kanila, ay indikasyon ng undue influence upang magbigay-pabor ang isang partikular na supplier.

Ayon pa sa nilalaman ng liham, ang umano’y panggigipit ay nakalikha rin ng takot at pangamba sa rank-and-file employees kaya’t hinihiling nila sa Ombudsman na mahatulan ng preventive suspension sina Herbosa, Aquino at Tope. Hinikayat din nila ang anti-graft court na magsagawa ng forensic exam at preservation of procurement records, kasama ang TOR drafts, evaluations, palitan ng email at text messages upang maiwasan ang posibleng pag-delete o pagmanipula ng ebidensya.

Iginiit din ng mga complainant na nais nilang manatiling kumpidensyal ang kanilang identity dahil sa takot na mabalikan o mapag-initan ng mga nadadawit na opisyal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here