MANILA, Philippines – Handang makipagtulungan ang Department of Health (DOH) sa Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon sa umano’y sobrang singil sa mga ospital.
Sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo na ang anumang pagtaas o sobra sa mga singil sa ospital ay mga krimen at maituturing na falsification of public documents sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ayon pa kay Domingo, ang DOH ay handang gamitin ang “buong saklaw ng batas” upang masiguro na ang sinumang responsable ay managot.
Matatandaan na pinuna ni Ombudsman Crispin Remulla ang “bloated” na singil sa emergency room sa mga ospital.
Sinang-ayunan din ni Senator JV Ejercito ang mga reklamo, na sinasabi na ang coverage ng PhilHealth ay pinagsasamantalahan din. Jocelyn Tabangcura-Domenden