Home NATIONWIDE DOH: Hospitals ‘di muna ipagagamit; tent itatayo sa quake area

DOH: Hospitals ‘di muna ipagagamit; tent itatayo sa quake area

279
0

MANILA, Philippines – Hindi muna gagamit ng hospital building ang Department of Health (DOH) sa mga lugar na apektado ng malakas na lindol sa Davao Region upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente at mga health workers.

Kasunod ito ng 7.5 magnitude na lindol na yumanig sa rehiyon at mga kalapit na probinsya, pati na rin sa inaasahang mga aftershock.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, magtatayo muna sila ng mga tent sa labas ng mga ospital.

Kapag idineklarang ligtas at natapos na ang damage at integrity assessment, saka lamang umano ipapagamit ang hospital building.

Sa ngayon, inaantay pa ng DOH ang report ng field officials sa Davao kaugnay ng epekto ng malakas na lindol sa mga government health facilities. — Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here