Home LIFESTYLE HEALTH DOH: Kaso ng tigdas, rubella tumaas ng 32%

DOH: Kaso ng tigdas, rubella tumaas ng 32%

403
0

MANILA, Philippines – Tumaas ng 32 porsiyento ang kaso ng measles (tigdas) at rubella sa bansa sa nakalipas na isang taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na may 5,159 kaso na naitala mula Enero 1, 2025 hanggang Enero 3, 2026, mas mataas kumpara sa 3,901 kaso noong 2024.

“Alam po ba ninyo ang bilang ng ating measles and rubella cases simula January 1, 2025 hanggang January 3, 2026 ay umabot po sa 5,159? Iyan po ay mas mataas ng 32 porsiyento kumpara sa 3,901 na naitala noong 2024,” ani Domingo.

Dagdag pa niya, 73 porsiyento ng mga nahawa ay hindi bakunado.
“At namumukod-tanging datos dito, iyong 73 percent sa kanila, hindi bakunado,” aniya.

Ayon sa DOH, uunahin ang Mindanao sa vaccination drive na magsisimula sa Enero 19, dahil karamihan sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso ay naroon.

“Saan ba ang pinakamarami at bakit natin uunahin iyong Mindanao… dahil po, iyong mga rehiyon na pinakamataas iyong hawaan ng measles at rubella… Ito po ang Region IV-B, ang MIMAROPA, sumunod ang Region IX, Region X, Region XII at saka ang BARMM… Kapag nakita natin diyan, dalawa lamang iyong wala sa Mindanao,” paliwanag ni Domingo.

Nilinaw rin ng DOH na hindi awtomatikong mahahawa ang isang tao kahit nasa high-case area.

“Pero huwag pong kabahan, hindi ibig sabihin, kapag nandoon kayo sa rehiyon na ito ay mahahawa kaagad,” aniya.

Isinasaalang-alang din ng DOH ang paparating na Ramadan sa Pebrero 17, kaya target mabakunahan ang mga bata bago ito magsimula.

“Ayaw po nating istorbohin ang ating mga kababayang Muslim habang sila po ay pagninilay sa panahon ng Ramadan, so mas maganda po na ating mabakunahan na ang mga tsikiting… from six months up to 59 months,” sabi ni Domingo.

Magkakaroon naman ng ikalawang yugto ng measles at rubella vaccination sa Luzon at Visayas bandang Hunyo, habang tuloy-tuloy ang regular na pagbabakuna ng DOH. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here