MANILA, Philippines- Mabilis na kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Health (DOH) upang kumilos laban sa kumakalat na sakit sa loob ng detention cell ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City.
Sinabi ni Gatchalian na kailangan nang kumilos ng DOH upang masugpo ang kumakalat na nakahahawang sakit ng ilang ilegal na manggagawa ng Philippine offshore gaming operator (POGO) na nakakulong sa detention facility.
“The spread of contagious diseases among POGO workers in PAOCC custody demands urgent action from the DOH, including immediate containment, quarantine protocols, and the provision of proper healthcare to prevent further transmission,” ani Gatchalian.
“Alternative facilities must be identified to ensure humane detention and effective disease control,” dagdag ng senador.
Iniulat ng awtoridad ang pagtaas ng bilang ng nahahawa ng sakit sa holding facility na pinamamahalaan ng PAOCC kung saan daang dayuhan na sangkot sa illegal POGO operations ang nakakulong.
Dapat aniyang seryosohin ng pamahalaan ang outbreak pero hindi dapat maging hadlang ito sa pagpapatupad ng batas.
“This health issue, however, must not be used as an excuse to suspend anti-POGO operations. Once cleared by the DOH, these POGO workers must be immediately deported,” giit niya.
Binanggit din ni Gatchalian ang kahalagahan ng patuloy na pagsugpo sa illegal POGOs na marami ang sangkot sa krimen tulad ng human trafficking, cyber fraud, at illegal detention.
“Kinakailangang ipagpatuloy ang kampanya laban sa mga POGO nang walang humpay upang tuluyang mapuksa ang kanilang ilegal na gawain,” aniya. Ernie Reyes