Home ENTERTAINMENT Netizens, bet ang bromance nina Michael at Emilio, hiniritan ng BL!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizens, bet ang bromance nina Michael at Emilio, hiniritan ng BL!June 14, 2025 13:192570 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kakaiba rin ang bonding na nabuo kina Michael Sager at Emilio Daez sa pamamalagi nila sa Bahay ni Kuya.Ang tandem kasi nilang MiLi ang unang pair ng male housemates na na-evict sa PBB Celebrity Collab edition.Sa kanilang pag-stay sa nasabing Pinoy reality competition show, nakitaan agad ng potensyal ang dalawang celebrities.May mga nanghihinayang nga na na-evict agad sila bilang partners sa BNK kung saan nakitaan agad sila ng rapport.Feeling kasi ng ilang observers, the duo has much to offer pa.Pero kung natsugi agad sila sa nabanggit na reality show, hindi naman ito kawalan sa dalawang hunks.Ayon kasi sa ilang insiders, tila mas bobongga pa ang kanilang mga karera sa outside world.Sila kasi ang next in line na ginu–groom ng kanilang networks to leading man status.Si Emilio ay may upcoming TV series na “Love at First Spike” na pagbibidahan niya kung saan mai-involve siya sa isang babae at kapwa lalake.Bukod pa riyan, regular host na rin siya ng ASAP.Si Michael naman ay siguradong mabibigyan pa ng leading man roles after his stint in “My Ilonggo Girl.”Hopefully, mapatunayan din niya na puwede rin siyang maging effective host tulad ni Emilio.Sa pagsasama nila sa isang fashion magazine for Southeast Asia, napansin agad ng kibitzers ang kanilang chemistry.Hirit pa ng mga nagma-Marisol, bagay daw ang dalawa na magsama sa isang BL.Ito ang ilan sa kanilang mga komento.“Kapag nagkaroon sila ng BL series, I’ll pretend to be shocked.. ang pogi ni Emilio.”“BL na VMX ampeg.”“Ahahaha..I love their bromance.”“Napanood ko un interview nila with Boy Abunda, ang kulit nila pareho. Hope makakuha sila ng good projects.” Archie Liao