MANILA, Philippines – Magpapadala ng mga healthcare worker ang Department of Health (DOH) sa Jamaica para sa capacity building.
Ito ay matapos lumagda sa isang kasunduan ang DOH at ang Ministry of Health ng Jamaica noong Huwebes na magpapahintulot sa pagdeploy ng Filipino healthcare workers sa bansang Caribbean.
Nilagdaan ang memorandum of understanding ni Philippine Health secretary Teodoro Herbosa at Jamaican Health Minister Christopher Tufton sa Kingston, Jamaica.
Sinabi ng DOH na ang kasunduan ay naglalayong makipagpalitan din ng kaalaman sa pagitan ng dalawang bansa.
Hindi naman binangit ni Herbosa kung ilang healthcare workers ang ipapadala sa Jamaica. Jocelyn Tabangcura-Domenden