Home NATIONWIDE DOH may paalala sa publiko sa kasagsagan ng bagyo

DOH may paalala sa publiko sa kasagsagan ng bagyo

MANILA, Philippines- Nagpaalala ang Department of Health sa evacuees na huwag kalimutan ang Go Bag sa kanilang paghahanda sa bagyong Pepito.

Ayon sa DOH, maaring gamitin ang Go Bag para mapanatili ang kalusugan at kaligtasan sa paglikas.

Nagpaalala rin ang DOH na lumikas nang maaga kung ang lugar ay madalas na binabaha.

Kung makaranas naman ng mabigat na pag-ulan sa mga daraanan ng bagyo ay mabuting lumikas na agad.

Mataas din umano ang tiyansa ng landslide dahil saturated na ang lupa o hindi na kaya nitong sumipsip ng tubig dulot ng sunod-sunod na ulan.

Paalala pa ng ahensya ugaliing mag-monitor sa lokasyon ng bagyo at sumunod sa mga abiso ng awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden