MANILA, Philippines- Hindi inaprubahan ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang iminungkahing P37.5 milyong allotment para sa collaterals para sa ika-30 anibersaryo ng state insurer sa susunod na taon, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.
Sinabi ng DOH, na nangangasiwa na ahensya ng PhilHealth, na ginawa ang desisyon upang “makatipid ng pondo ng gobyerno at matiyak ang tamang alokasyon nito para sa mga benepisyo ng mga miyembro ng PhilHealth.”
Ang P37.5 milyong halaga ng collaterals sa ilalim ng panukalang “marketing and promotional expenses” para sa selebrasyon ng 30th anniversary ng PhilHealth ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Jackets — P13,650,000
Umbrellas — P7,910,550
Perforated mesh stickers — P7,300,000
Anniversary shirts — P3,640,000
Marketing shirts — P1,940,000
Tote bags — P1,820,000
Katsa bags — P750,000
Button pins — P545,000