Manila, Philippines – Kinundena mismo ni Senator Bong Revilla ang kumakalat sa social media na kung sakaling maaalis sa puwesto si Vice President Sara Duterte ay siya ang papalit.
Tulad ng alam ng ating mga kababayan, pinapanagot ang VP kung saan napunta ang may P120 million na confidential funds.
Sa huling ulat, wala umanong birth records sa PSA si “Mary Grace Piattos” na unang idineklara ng OVP.
Dahil dito, lantarang tinawag na “misuse of public funds” ang ginawa ng naturang tanggapan.
Bilang konsikwensya, may malawakang panawagan sa social media na i-impeach o alisin si VP Duterte sa puwesto.
Gaya ng nagsi-circulate sa socmed, pag nangyari ito’y ang papalit daw sa puwesto ng VP ay si Revilla.
Nang makarating ito sa mambabatas ay tinawanan lang niya ito.
Tinawag niyang fake news ang kumakalat, na posible raw ay mula sa llang mga mamamayang walang sapat na kaalaman sa “law of succession.”
Sa hanay kasi ng mga pinuno sa bansa, pag nabakante ang posisyon ng VP ay awtomatikong ang papalit dito’y ang Senate President.
Sa ngayon, si Sen. Chiz Escudero ang likely candidate to replace Duterte if impeached.
Ayon sa kampo ni Bong, posibleng siya ang “napagdiskitahan” ng mga netizens dahil nabalita ang pagtakbo niya noon sa pagka-VP. Ronnie Carrasco III