MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi nagbebenta o nag-eendorso ang ahensya ng mga produkto, lalo na ng dietary supplements.
Bilang babala, pinaalalahanan ng DOH ang publiko laban sa mga pekeng advertisement at post sa social media na gumagamit ng pangalan ng kagawaran.
Paglilinaw ng DOH, hindi sila nagbebenta o nag-eendorso ng anumang dietary supplement o produktong komersyal na nangakong may “kumpletong lunas” sa sakit.
Ayon pa sa DOH, neutral sila at hindi bahagi ng anumang pribadong negosyo o kampanya.
Hinimok din ng DOH ang publiko na maging mapanuri at i-verify muna ang anumang produkto sa FDA Verification Portal sa https://verification.fda.gov.ph
gamit ang FDA Registration Number o pangalan ng produkto.
Paalala rin ng DOH na mag-follow lamang sa verified social media pages ng ahensya para sa tamang impormasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden