Home NATIONWIDE DOH nagdeklara ng Code White Alert sa Kanlaon eruption

DOH nagdeklara ng Code White Alert sa Kanlaon eruption

MANILA, Philippines – Nagdeklara na ang Department of Health (DOH) ng Code White Alert sa mga ospital malapit sa Bulkang Kanlaon.

Payo ng DOH sa mga residente, mag-ingat at makinig sa mga abiso ng local government officials.

Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing may malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot ng mass casualty incidents o emergencies.

Itinaas ng Phivolcs ang Alert Level sa Kanlaon mula alert level 1 patungong alert level 2 matapos ang phreatic explosion sa bulkan.

Ngayong Martes, kabuuang 1,562 indibidwal o 210 pamilya na sa probinsya ng Negros Occidental ang nailipat sa evacuation centers kasunod ng pagputok ng bulkan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC). Jocelyn Tabangcura-Domenden