Home ENTERTAINMENT Pet ni Osang, kakaiba!

Pet ni Osang, kakaiba!

Manila, Philippines- “Le Bron” ang pangalang ibinigay ni Rosanna Roces sa kanyang pet animal.

Pero ang napiling alagaan ng dating sexy star ay hindi aso o pusa kundi biik.

Hindi pangkaraniwang biik o piglet ang alaga ni Osang.

Isa itong Vietnamese potbellied pig.

Ginoogle namin kung magastos bang magpakain ng ganoong breed ng baboy.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, ang food expenses nito’y nakadepende sa kung ano ang size niya, level of activity at dietary needs.

Dahil nag-aalaga na siya ng biik, posibleng tinigilan na rin ni Osang ang pagkain ng pork lalo na ang paborito sa handaan, ang lechon.

Proof na kakaibang pag-aalaga ang ibinibigay ni Osang sa biik ay nakabalot pa ito sa tela.

Finlex din ni Osang ang mga larawan nito sa kanyang social media account.

“Tricky” lang pag nagbitiw ka ng linya patungkol sa alaga ni Osang habang nakatingin ka sa aktres.

“Osang, ang baboy mo!”

Ano kaya ang iisipin ng makakarinig niyon na walang ideya na alaga pala ‘yon ni Osang at hindi paglalarawan sa kanya?

In that case, drop the piglet’s name para klaro…”Osang, si Le Bron!” Ronnie Carrasco III