Home NATIONWIDE DOH naghihintay ng pahayag ng WHO sa ‘bagong virus’ sa Tsina

DOH naghihintay ng pahayag ng WHO sa ‘bagong virus’ sa Tsina

MANILA, Philippines- Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang opisyal na pahayag ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa naglalabasang ulat ng pagkalat ng panibagong virus sa China.

Ayon kay Health Assistant Sec. Dr. Albert Domingo, wala pang opisyal na anunsyo mula sa World Health Organization kaugnay sa bagong sakit na ito.

Depende rin aniya ang magiging opisyal na pahayag ng DOH kung mayroong ilalabas na opisyal na deklarasyon ang WHO sa nasabing sakit.

Ang sakit na flu na Human Metapnuemovirus na umano’y bagong sakit na kumakalat sa China ay una nang pinag-usapan sa social media platforms.

Isa itong pinagsama na influenza A, respiratory illness, Mycoplasma pneumonia at Covid-19.

Payo ni Asec. Domingo sa publiko, maghintay ng opisyal na pahayag mula sa mga eksperto at huwag basta maniniwala sa mga nakikita o nababasa sa mga social media. Jocelyn Tabangcura-Domenden