Home LIFESTYLE HEALTH DOH: PhilHealth sasagot sa gastusin sa gamutan ng leptospirosis

DOH: PhilHealth sasagot sa gastusin sa gamutan ng leptospirosis

1
0

MANILA, Philippines – Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko sa gastusin kaugnay sa gamutan sa leptospirosis.

Ayon kasi sa DOH, kayang ma-cover ng PhilHealth ang gamutan ng naturang sakit kahit sa pribadong ospital.

Ito ay dahil ilan ang nagdadalawang isip na dalhin sa hospital ang kanilang mga kamag-anak matapos lumusong sa baha at nakitaan ngĀ  sintomas ng leptospirosis tulad ng lagnat.

Ayon kay DOH secretary Edwin Mercado kahit sa private hospital dalin ang pasyente ay kaya itong ma-cover ng Philhealth dahil itinaas na sa 60 libong piso ang benefits package para sa moderate cases ng leptospirosis.

Para naman sa 400 daang libong piso ang severe leptospirosis.

Una ng sinabi ng DOH na mataas ang mortality rate kapag hindi naagapan ang leptospirosis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here