Home METRO Nawawalang mag-utol natagpuan sa kanal ng irigasyon sa Bulacan

Nawawalang mag-utol natagpuan sa kanal ng irigasyon sa Bulacan

1
0

BULACAN, Philippines – Patay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang dalawang magkapatid na lalaking napaulat na nawawala kamakailan sa bayan ng San Ildefonso.

Sa ulat na nakarating sa mga awtoridad, kinilala ang mga biktima na sjna alyas  “April”, 13 at “Angelo”, 15.

Ayon sa ulat, huling namataan na lumalangoy umano ang magkapatid sa irrigation canal sakop ng Brgy. Anyayatam noong Linggo.

Nang makarating sa pulisya, Bureau of Fire at San Ildefonso MDRRMO ay agad silang rumesponde sa lugar at nagtulong-tulong na nagsagawa ng Search and Retrieval Operation kalaunan.

Nabatid na nitong Martes ng hapon, August 25 ay natagpuan ng mga awtoridad ang labi ng dalawang magkapatid na umanoy pinaniniwalaang nalunod sa nasabing kanal ng irigasyon.

Bumuhos naman ang pakikiramay at dasal ng mga netizen sa namayapang magkapatid na nagviral sa Facebook post na nawawala. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here