MANILA, Philippines – Sanabi ng Malakanyang na nais ng administrasyong Marcos ang mabilis na aksyon ukol sa reporma ng military and uniformed personnel (MUP) pension system, subalit binigyang diin ang masusing pagrerebisa bago isumite ang rekumendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inihayag ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang matapos atasan ang inter-agency group na rebisahing mabuti ang pension system na nabigong isumite ang report nito kay Pangulong Marcos na ‘prescribed timeline.’
Sinabi ni Castro na nananatiling nagsasagawa ng pag-aaral ang grupo, kung saan hangad ng gobyerno na ibalanse ang pangangailangan para sa mabilis na aksyon at masinsinang pag-aaral para sa comprehensive assessment.
“Since ito naman po din ang nais ng Pangulo, kailangan po ito na mas mabilisang pag-aksiyon pero kailangan din po ng masinsinang pag-aaral,” anito.
Nais din ng gobyerno ayon kay Castro ang update mula sa Department of Budget and Management (DBM), subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng Malakanyang ang depinidong timeline para sa pagsusumite ng rekumendastyon ng grupo kay Pangulong Marcos.
Aniya, ang inter-agency technical working group na binubuo ng DBM, Department of Finance (DOF), Bureau of the Treasury, at Government Service Insurance System (GSIS), at inatasan ang pagsasagawa ng komprehensibong pagrerebisa upang matiyak na ang pension system ay magiging “balanced, equitable, at fiscally sustainable.”
Inaasahan din na magrerekumenda ang grupo ng appropriate measures o legislation para sa pension reform, na may MUP agencies na nakadirekta para makapagbigay ng technical at administrative support para sa pag-aaral.
Ang pagrerebisa ay ipinag-utos sa ilalim ng Executive Order No. 107, nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Dec. 3, 2025, pangunahin para i-update ang MUP base pay schedule at itaas ang kanilang subsistence allowance habang ipinagu-utos din ang komprehensibong pagrerebisa ng pension system.
Nire-require ng kautusan ang inter-agency technical working group na magsumite ng kanilang report sa loob ng 180 araw ng effectivity nito, naglagay ng deadline sa unang linggo noong June 2026, base sa kautusan noong Dec. 3 issuance at agarang implementasyon ng timeline.
“The deadline has therefore already passed,” ani Castro magkagayunman ang pagrerebisa ay mananatiling nagpapatuloy at ang Malakanyang ay hindi pa nadedetermina ang dahilabn ng pagkaantala.
Tinuran pa ni Castro na itse-tsek ng Malakanyang sa DBM kung anong dokumento ang isususmite sa ahensiya, ipinanukala na ang pagkompleto ng mga dokumento ay maaaring makapag-ambag sa napakahaba at matagal na pagrerebisa.
“Malamang, sa ating pagsusuri, ito (incomplete documents) ay isa sa mga naging dahilan kung bakit medyo natagalan,” ani Castro.
“So, kinakailangan po ng kumpletong pag-aaral at dokumento,” aniya pa rin.
“The DBM had not provided the Palace with details on the documents it had received or a target date for completing its conclusions and recommendations,” anito.
Nilinaw din ni Castro na hindi naglabas si Pangulong Marcos ng bagong posisyon ukol sa MUP pension reform dahil hindi pa naisusumite ng inter-agency group ang kanilang rekumendasyon.
“Wala pa po kasing naibibigay sa kaniyang rekomendasyon. So, alam naman natin na ito din po ay nais ng Pangulo,” ayon kay Castro.
Makikita sa Seksyon 4 ng EO 107 na nagtakda ng daily subsistence allowance ng lahat ng MUP na P350 per day, epektibo Enero 1, 2026.
Nakadetalye din sa kautusan ang three-tranche increase sa base pay, simula Jan. 1, 2026, na may karagdagang tranches noong Jan. 1, 2027, at Jan. 1, 2028, saklaw ang lahat ng uniformed services, kabilng ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), PCG, BuCor, at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Gayundin, nakabalangkas sa EO ang bagong pigura pra sa bawat rank, mula entry-level personnel hanggang generals at flag officers.
Sa ilalim ng kautusan, “agencies shall source the needed funds from available appropriations for Fiscal Year 2026 and succeeding years, with additional requirements included in the annual budget proposal. They are also required to issue implementing guidelines within 90 days, including procedures for applying the updated base pay schedule and the allowance adjustment.” (KRIS JOSE)