Home NATIONWIDE DOH sa publiko: Iwasang magbiro ng may kinalaman sa sakit ngayong April...

DOH sa publiko: Iwasang magbiro ng may kinalaman sa sakit ngayong April Fool’s Day

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko nitong Linggo na iwasang magbitaw ng birong may kinalaman sa mga sakit ngayong April Fool’s Day, araw ng Lunes.

Inihayag ng DOH na ang April Fool’s Day, na ginugunita tuwing unang araw ng Abril, ay “day when there is an outbreak of pranks or jokes.”

Kaya naman, hiniling ng health department sa “would-be pranksters” na iwasan ang mga birong kinalaman sa “illness, disease, and other physical or mental conditions; most especially about the loss of life.”

Anang DOH ito ay nakadaragdag sa “stigma we want less of.”

 “There can be considerate and wholesome fun,” dagdag nito, at inihirit sa publiko “to be kind to each other.” RNT/SA

Previous articleMga biyahero balik-NCR na; daloy ng trapiko bumibigat na
Next articleGaza ceasefire hirit ni Pope Francis sa Easter Sunday message